Testo 1000 Itim Na Dahon Hiraya
marahil ika'y nadapasa katotohanang inabot
na sa iyo'y kapusukan at pakla
ang gapas ng panahon
sa palad mo'y nakaukit
salin-lahing daloy ng kaisipan
walang tigil na hinagpis
and tanging galaw ng mga kamay
ngunit kapilas ng pag-unawa
ang basbas ng karanasan
kahit tila pangunguling ng diyos
ang habi ng kapalaran
kung ang katauha'y sinakluban
ng sanlibong itim na dahon
sunugin lahat ng ito't
palayain ang kaluluwa