Alaala Ni Batman

Radioactive Sago Project

"Bale 1986 noong una kong nakilala si batman wala pang abs-cbn noon sa BBC-2 pa noon eh panahon ni Marcos na malapit nang mamatay wala rin si kris aquino wala pa si boy abunda sikat pa si herman moreno noon eh sabi ko, 'shet ang galing nito ah' natulala ako noong una kong napanood si batman 'shet ang galing nito' sabi ko sa sarili ko 'ang galing galing galing ng itsura ni batman' parang kinatam ang mukha ang galing ng costume umuumbok ang dibdib pero di pa rin bakat ang utong ang galing ng gadgets niya ang gara ng kotse ang ganda ng bahay ang galing-galing mag-Ingles ang galing mangarate actually, pulbos nga ang lahat ng kalaban niya eh palagi ko siyang pinapanood tuwing hapon palagi akong nakikipag-away sa katulong namin dahil gusto nya manood ng lotlot and friend at saka thats entertainment pero ako isa lang talaga ang gusto kong panoorin sabi idol na idol n idol n talaga kita"
"bale idol na idol talaga ko talaga si batman dibale na si robin ayoko ka robin kase parang bading pero ano nga kaya ang relasyon nila pero idol ko talaga si batman kase palagi ko at siyang dinodrowing, lagi ko siyang ginagaya lahat ng bagay na batman gustong gusto ko meron ako yung t-shirt ko batman yung lunchbox ko batman yung pencilcase ko yung panyo yung sumbrero yung toothbrush yung brief ko lahat yon batman mahal na mahal ako ng tatay ko kase kahit mahirap lang kami lagi nya akong binibili ng batman n bagay pero minsan gusto ko talaga ng batmobile na laruan nagpabili ako sa kanya sabi ko tay bili mo naman ako ng batmobile pero katatae nya lang yata nya non sa trabaho at wala n sya pera kase kasali yata siya noon sa unyon nagwala yata sa ticket line kaya yun natanggal siya kaya kumuha n lng siya ng karak-karak n lata ng sardinas at binutasan na lang at kinabitan ng tansan at dun k na lang nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal"