Mga Araw Sa Ating Buhay Testo

Testo Mga Araw Sa Ating Buhay

Sa bawat araw sating buhay ay sadyang pabago bago
Mas mabilis pa yata sa pag ikot ng mundo
Nagkalat ang rendasyon kayat wag tayong padadala
Ilagay sating isipan tayo rin naman and kawawa
Nagkakasala kahit labag sa kalooban
Sige parin dahil merong gustong patunayan
Sa bandang huli
Doon palang nagsisisi
Wag na sana nating pahirapan
Ang ating mga sarili
CHORUS:
Araw araw sa buhay ko'y dumadaan subalit
Hindi ko malaman ang aking paroroonan
(Get on get on down.....)
VERSE II:
Walang kinatatakutan at walang inaatrasan
Lahat ng nagkakamali sa amin ay pinapuputukan
Pinatatamaan ng bala
Kalaban ay binubutas ang kaha
Sa mata ng aking kapwa ako ay nagkakasala
Lalo na sa itaas
Kayat ako ay minamalas
Binabawian ng tadhana't hindi ako makatakas
Aking sala'y tuluyan nang naipon at humanay
Kailan kaya maitutuwid mga araw saking buhay
Kung minsa'y sineswerte kung minsay minamalas
Mas madalas namromroblema kung paano na ang bukas
Kailangan talagang kumayod
Kailangan talagang magsikap
Nang tayo'y umasenso at dehins na maghirap
Kay daming mga pangyayari nagaganap sa ating mga buhay
Kay bilis ng panahon
Tayoy walang kamalay malay
Sa ganitong sitwasyon
Dapat tanggapin ng malumanay
Isa lamang to sa serye sa araw ng ating mga buhay
CHORUS:
Araw araw sa buhay ko'y dumadaan subalit
Hindi ko malaman ang aking paroroonan
(Get on get on down.....)
VERSE III:
Sa katuparan lang ng ating mga pinapangarap
Di natin naisip kung ano ang pwedeng lumaganap
Kung minsay naiisip na gumawa ng iligal
Para masunod lang ang luho
Ating buhay isinugal
Sa pagkakamali
Tayo rin ang masisisi
Nilagay ang buhay sa piligro
Inipit ang sarili
Yan ang hirap satin kung minsa'y sobrang gulo
Utak natin dehins balanse
Sadyang pabago bago
Gumagawa ng mga bagay na hindi magandang tignan
Kayat ang aking kululuway para nang sinisilaban
Sa apoy ng temptasyon na naging kasama
Kailan kaya makaliligtas
Kailan kayang tamana
Na laging tinatanong sa aking sarili
Hindi ko naman masagot at parating nawiwili
Sa paggawa ng mga bagay na sa aki'y humahatak
Wala naman akong magawa't
Unti unting nawasak
CHORUS:
Araw araw sa buhay ko'y dumadaan subalit
Hindi ko malaman ang aking paroroonan
(Get on get on down.....)
Ang buhay natin ay dapat nating ingatan
Wag nating abusuhin
Wag nating pabayaan na basta nalang mawalang saysay
Abot kamay hanggat buhay ang ating mga magulang ang nagbibigay gabay
Sa ating mga kabataan
Ito ang katotohanan
Wag nang magsisihan dahil hindi ito basehan
Sa pagkakamali
Wag sisihin ang sarili
May bukas pa naman para makapagsimulang muli

May balak dumanak
Patalim ay tinarak
Naglalakad sa dilim at may hawak na alak
Kinabukasan ay nagising nalamang saking kwarto
Mga araw saking buhay
Walang pagbabago
Walang pagbabago
Walang ibubuti desisyon sa aking buhay di ko inisip ang sarili
Isang bagay lang ang hinihiling ko sa kanya
Sa paghingi ko ng patawad
Akoy pakinggan sana
Repeat Chorus:
Artisti per lettera
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9
Privacy Policy
Privacy & Cookie Policy